Get Hired Online from various companies and agencies

53 Dairy Cattle with "bovine tuberculosis" culled, others in quarantine in Chiayi Taiwan?


Kinatay ang 53 na ginagatasang baka matapos magpositibo sa sakit na "bovine tuberculosis" sa 3 farm ng Chiayi Taiwan. Ito ay ayon sa Council of Agriculture.

Ang "Bureau of Animal and Plant Health Inspection and Quarantine" ay nagsagawa ng inspeksyon noong March 30 sa tatlong farm ng baka sa Chiayi at ayon sa resulta ay nagpositibo ang 40 dito. At ayon din sa kanilang pagsasaliksik na ang mga baka na may sakit ay nagmula pa sa lugar ng Yunlin farm.

Ano nga ba ang "bovine tuberculosis?"

Ito'y karaniwang sakit ng mga hayop na maaring ma-ipasa sa tao sa pamamagitan ng pag-inom ng mga "fresh milk". Ang sakit na ito ay maaring magdulot ng malubhang ubo o maapektuhan ang ating baga na maari maging sanhi ng kamatayan.

Paano makakaiwas sa "bovine tubercolosis?"

  • Huwag uminom ng gatas na direktang galing sa hayop
  • Iminom lamang "sterilized fresh milk" o pinakuluang gatas 
Ang "bovine bacteria" ay maaring mamatay sa init na 70-80 degrees celcius.


Sa ngayon ay nasa obserbasyon na ng COA ang mga nasabing bakahan.
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive