Taiwan Jobs, Taiwan Labor Laws, Local Jobs and other foreign works

Internet subscribers in Taiwan may suffer slow Internet for 1 month?


Bahagyang nararanasan ang pagbagal ng Internet sa Taiwan. Ito'y matapos masira ang linya ng Asia-Pacific Cable Network 2 (APCN 2). Ayon sa Chunghwa Telecom Co., Ltd.

Abril 22, ng masira ang "undersea cable" na nagkakabit sa 8 bansa. Ito'y nagdulot ng pagkawala o paghina ng "signal" na nagmumula sa US, Europe at Japan.

Ang pagkasira ng Asia-Pacific Cable Network 2 (APCN 2) ay maaring natamaan ng mga mangingisda o dala ng kalamidad sa ilalim ng dagat. Agad naman ginawan ng paraan ng mga kina-uukulan ang problema at inilipat ang koneksyon sa iba pang mga "undersea cable".

Ayon kay Shen Fu-fu ang tagapagsalita ng kumpanyang HiNet, ay aabot sa isang buwan ang pagkumpuni sa nasirang kable, dahil 3 kumpanya lang  ang meron sa buong mundo na nag- aayos ng mga ganitong problema. At sa ngayon ay wala pang bakante oras para sa pagkumpuni sa nasirang kable dahil sa dami nilang gawa. Pero inaasahan naman nila na maayos ito sa buwan ng mayo.

Sa ngayon ay apektado ang mga website gaya ng youtube, at iba pang audio, video mula sa US, Europe at Japan.

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive