Taiwan Jobs, Taiwan Labor Laws, Local Jobs and other foreign works

Shocking reasons reveal why we should hug trees often.

   

   Bakit kaya may mga tao na niyayakap ang punong kahoy. Minsan hahawak ng mahigpit pagkatapos ng ehersisyo?

Alam niyo ba na kaya pala ang mga matatanda ay humahawak sa puno ay dahil sa kanilang paniniwala na ito ay nakapag-release ng "NEGATIVE ENERGY" mula sa ating katawan at isipan.Kilala dito si Mantak Chia na isang Taoist Master na kilala sa kanyang  "Cosmic Tree Healing Qigong Method." ayon sa kanya ang paghawak sa puno ng kahoy ay nagtatanggal sa lahat ng negatibo enerhiya sa ating katawan, isinasaayos nito ang ating "aura". Pinapagaling nito ang ating katawan at emosyonal na problema.

Ayon sa "Taoist Theory" ang punong kahoy ay natural na humihigop ng enerhiya sa mga nakapaligid nito.gaya na lamang ng mga kidlat, usok, sinag ng araw na kung saan ang balik nito ay ginagawang positibo, gaya ng natural na paglinis ng hangin at iyong sinag na araw na nagiging bunga ng kahoy.

Alam niyo ba na ang paghawak o pagyakap sa kahoy ay napatunayan na ng Siyensya? Sa inilabas na aklat ng  "Blinded by Science" na akda ni  Matthew Silverstone ayon sa kanya, ang paghawak o pagyakap sa puno ng kahoy ay nakakapagpagaling ng maraming karamdaman gaya ng pagpapataas ng lebel ng konsentrasyon ng ating isip, reaksyon , natural na nagtatangal ng depresyon at sakit sa ulo.

At ayon sa "Law of Resonance"ang puno ng kahoy ay natural na nagtataglay ng  "Equilibrium Frequency na 12hz."  kung saan malayo sa stress at mga sakit.  Hindi tulad ng mga tao laging stress at nagtataglay ng mataas pa sa "12hz frequency." kaya para mabawasan ang mataas na sukat ng "frequency" sa ating katawan ay kailangan nating humawak sa kahoy para mahigop ang sobrang negatibong enerhiya.

photo courtesy of kamath Vastu Yogi
Sa bansang India hindi lamang nila hinahawakan ang kahoy bagkus ito ay kanila pang niyayakap dahil sa kanilang paniniwala na ang pagyakap ng kahoy ay nagpapakalma ng kanilang katawan, kalooban, isipan at ispiritwalidad. Tumatagal ng 1-3 minuto ang kanilang pagyakap sa kahoy para tuluyang mawala ang negatibong enerhiya sa katawan.

Kaya ngayon alam natin kung bakit sila kumakapit sa kahoy o yumakap!





Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive