Taiwan Jobs, Taiwan Labor Laws, Local Jobs and other foreign works

Taiwan now offers "FREE HALFDAY TOUR" to all Tourist?

credit to google search


Naglunsad ng bagong atraksyon ng Taiwan para sa mga turista na nais dumayo sa kanilang bansa. Ayon sa Bureau of Tourism ng Taiwan ay naglunsad sila ng libreng "halfday tour" sa mga kilalang mga dinarayong lugar sa Taiwan.

Layunin ng bagong atraksyon na manghikayat pa ng maraming turista. Inaasahan ng gobyerno ng Taiwan na lalago pa ang kanilang turismo lalo  na't simula ngayong Hunyo taong kasalukuyan ay "VISA FREE" na sila.

Sinu-sino ang pwede maka-avail ng programang ito?

Sila iyong  may mga hawak ng:

  • Valid Taiwan Travel Visas
  • Galing sa bansang may "Visa-Exempt Entry"
  • Mayroong "Travel Authorization Certificate" -Ang "Travel Authorization Certificate" ay maaring makuha sa Taiwan Immigration Agency website
  • may "valid passport for atleast 6 months" at may kumpletong "embarkation/disembarkation card" mula sa immigration.

Saang lugar ang may libreng tour?

Umagang "Free Tour"
  • Sanxia
  • Yingge
Hapon na "Free Tour"
  • Taipie 101
  • Longshan Temple
  • Chiang Kai-shek Memorial Hall at Memorial Park
  • at iba pang lugar sa Taipie

Paano Magpalista?
  • Maaring magsadya sa Tourist Service Center sa Arrival Lobby sa Terminal 1 at 2 ng Taoyuan International Airport.
  • Maaring mag booking ng advance 14 hangang 30 na araw bago ang tour. Maari lamang mag e-mail sa halfdaytour@tbroc.gov.tw.
para sa mga karagdagang impormasyon ay bisitahin lamang ang Bureau of Tourism ng Taiwan website









Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive