Taiwan Jobs, Taiwan Labor Laws, Local Jobs and other foreign works

HALLOWEEN SPECIAL: Kwentong hindi makakalimutan ng isang DH sa Saudi


Ang kwento kung ito ay karanasan ko noong ako'y naging Domestic Helper sa Saudi. Ako si Maria anak ng isang magsasaka lamang, aking ina ay isang labandera. Lima kaming magkakapatid ako ang panganay. Sa araw araw kung nakikita ang aking mga magulang na nahihirapan sa pagtataguyod sa amin, naisipan kung mag abroad o magibang bansa para maahon ko sa kahirapan ang aking pamilya. Sa umpisa ay ayaw pumayag ng magulang ko dahil minsan napapanuod nila sa tv ang hindi magandang pagtrato sa mga katulong ng mga amo sa abroad. Pero dahil sa buo na ang pasya kung mangibang bansa ay pumayag rin sila kalaunan.

Pumunta ako ng Saudi. Pagdating ko sa Airport ay sinundo ako ng employer ko. Sa unang araw ko sa Saudi ay doon ko naranasan ang sobrang lungkot, sobrang pangungulila sa pamilya ko. Hindi ko maiwasan na umiyak palagi. Masuwerte ako dahil mababait ang aking amo. May isa silang anak na babae limang taon gulang at yun at alaga ko. Isang araw umalis ang aking mga amo at kmi ng alaga ko ang naiwan, habang nasa sala kmi naglalaro ang alaga ko ako naman ay nagtutupi ng mga damit, nagulat ako biglang bumukas yung tv mag-isa at ang nakakatakot pa palipat-lipat ng chanel natakot ako dahil wala naman pumindot sa remote ng tv ang alaga ko naman ay nasa tabi ko at naglalaro. Natakot at nagulat man ako ay hindi ko pinansin, binalewala ko na lang. Lumipas ang mga araw, umiikot lang ang buhay ko sa bahay ng amo ko, Pagkagising luto almusal, linis bahay, laba, alaga Bata yan ang ginagawa ko araw-araw. Pero ok lang naman sakin na nabi busy ako sa trabaho at least sa ganun hindi ako malulungkot.

Araw ng Sabado naiwan akong mag-isa sa bahay dahil umalis ang mga amo ko at kasama nila ang anak nila yung alaga ko. Ginawa ko ang araw- araw na ginagawa ko naglilinis ng bahay, laba pagkatapos luto para pagdating ng amo ko ay nakaluto na ako. Sa sobrang pagud ko hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sofa, habang natutulog ako naalimpungatan ako dahil sa ingay ng takong ng sapatos, naririnig kung papuntang itaas ng bahay ang naririnig kung nakatakong. Dali-dali akong tumayo dahil naisip ko baka dumating ang amo ko nakakahiya at natutulog ako sa sofa baka sabihin ay natutulog Lang pala ako pag wala sila. Umakyat ako sa taas para tingnan kung ang mga amo ko naba iyon, kaso nagtaka ako kasi kung naka uwi na sila dapat sana nagising na ako sa ingay ng alaga ko. Para malaman ko umakyat ako sa taas para malaman ko kung sino ba ang maingay na nakatakong na sapatos. Pag-akyat ko tahimik naman at walang tao, kaya bababa na sana ako ng bigla akong may narinig na umiiyak, boses babae. Tumayo ang aking mga balahibo nung makarinig ako ng iyak kasi alam ko naman na ako lang mag-isa sa bahay nung araw na iyon. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang iyak, ito ay nasa isang bakanteng kwarto dahan-dahan kung binuksan ito at nakita ko ang babaeng nakatalikod at nakaupo sa sulok, sobrang kinabahan ako at tumayo na ang mga balahibo ko sa takot, gayunpaman nilakasan ko ang loob ko dahan-dahan kung nilapitan ang babae nang biglang paglingon ay naagnas na ang mukha.

Bigla akong kumaripas ng takbo pababa ng bahay, lumabas ako at nakita ako ng isang pinay na sa kabilang bahay din nagtatrabaho. Nilapitan nya ako, tinanong Kung bakit takot na takot akong tumatakbo. Kweninto ko sa knya ang nakita ko at sa kanya ko nalaman na wala pala talagang nagtatagal na kasambahay sa amo ko dahil sa babaeng nagpapakita na agnas na ung mukha. Dumating ang amo ko at sinabi ko ang mga nakita ko, inamin nila sakin na dati pa daw talaga nagpapakita na yon. Siya daw c sherly dating kasambahay nila nakita na lng nila kinaumagahan na nagbigti sa kwarto nya dahil nalaman niyang may iba nang babae ang asawa nya. Inamin ng amo ko na walang nagtatagal na kasambahay nila dahil takot sa multo.

Kaya sabi nya sakin na hindi rin Kita masisisi kung aalis ka din. Takot ako syempre pero inisip ko panu na ang pamilya ko sa Pinas kung uuwi ako dahil lng sa multong nagpapakita. Tinibayan ko ang loob ko, pinagtibayan ko pa ang pananalig ko sa diyos dahi siya alang ang makakatulong sa kin. Sa mga sumunod na araw ganun parin ang nangyayari kapag naiiwan ako sa bahay nakakarinig parin ako ng nakatakong na umaakyat sa hagdan at umiiyak na babae. Pero dinadaan ko na lang sa dasal lagi at nawawala naman. Pinagdarasal ko rin lagi na hindi na ako takutin ni Shirley at matahimik na ang kanyang kaluluwa. At kalauna'y nawala na rin pagpaparamdam at pagpapakita sakin.

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive