Taiwan Jobs, Taiwan Labor Laws, Local Jobs and other foreign works

HALLOWEEN SPECIAL: Mga masamang karanasan ng nanay ko sa abroad


Tayong mga magulang gusto natin mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga anak at makapagtapos ng pag-aaral at makitang magtagumpay sa buhay ang ating mga anak. Katulad ng nanay ko na nangangarap na makatapos kmi sa pag-aaral, dalawa kaming magkapatid at parehong nasa High School na. Ang tatay ko naman ay construction worker lang kaya hindi talaga sapat ang kita niya, Kaya napagpasyahan ng nanay ko na mag-abroad sa middle east bilang caregiver. Sa unang mga buwan ay ok naman ang kalagayan ng nanay ko sa abroad, hindi naman daw xha nahihirapan sa trabaho nya at mabait ang amo. Nakakapagpadala siya samin buwan-buwan kaya hindi na kmi masyadong kapos sa buhay.

Hanggang dumating ang araw, linggo at buwan na wala na kaming balita kay nanay hindi na namin xha makontak, nag-aalala na kmi kung ano na nangyari sa nanay ko. Hanggang isang araw nagulat na lang kmi na nasa pintuan na namin si nanay. Payat, at halatang may pinagdadaanan at hindi na namin siya maka-usap ng matino. Napag-alaman namin na pina-uwi na lang xha ng kanyang Employer dahil hindi na daw ito nagtatrabaho at nagkukulong sa kwarto na iba na ang kinikilos. Iba na ang mga kinikilos ni nanay kumpara nung hindi pa xha nangingibang bansa.,hindi xha umiimik at napapansin ko sa mata nya yung laging nanlilisik. 

Isang Gabe habang kasarapan ng tulog ay nakarinig ako ng kaluskos sa kusina namin kaya bumangon ako, nang nasa kusina na ako ay laking gulat ko na kinakain ni nanay ang buhay na manok at nanlilisik ang kanyang mata. Sa sobrang takot ko ay napasigaw ako, nagising ang tatay ko at nakita din nya ang nangyari kay nanay. Kumaripas ng takbo palabas si nanay at hindi namin alam kung saan nagpunta ito. Nahanap ni tatay si nanay sa masukal na damuhan sa likod namin, sa takot ni tatay na baka masaktan kami ni nanay ay tinali niya ang mga kamay nito. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari Kay nanay dahil hindi naman siya ganun dati. Kaya para malaman namin kung anong kababaglaghan ang nangyayari Kay nanay, kinuha ni tatay c Mang Berto isang albularyo tinawas niya c nanay at napag-alaman niya na sinalinan ng pagka-aswang c nanay ng isang matanda sa abroad. Natakot kami sa aming narinig, dahil hindi namin alam kung ano pa ang susunod na mangyayri.

Hanggang isang Gabe narinig ko c tatay na tinatawag c nanay. Bumangon ako para malaman kung ano ang nangyari. Nakita pala ni tatay si nanay na kinakain na naman ang alagang kambing. Nang nakita siya nito ay kumaripas ng takbo. Lalong lumalala si nanay katagalan, at lalo kaming natatakot baka sa susunod kmi na ang kainin niya. Kaya dinala na naman namin si nanay sa albularyo para ipagamot. Kaso ang sabi ng albularyo wala daw siya magagawa dahil kapag daw ang isang Tao ay pasahan o salinan ng pagiging aswang ay hindi na ito matatanggal. Wala kaming nagawa kundi umiiyak na lang. Naging sandigan ay ang panginoon dinadalangin namin na mawala na ang karamdaman ni nanay.

Tinali at kinulong ni tatay sa isang kwarto si nanay sa takot na masaktan niya kami o baka makapatay siya ng tao. Hanggang isang Gabe hindi namin namalayan na nakawala si nanay, pumunta pala ito sa kapit-bahay at nakapasok ito sa kanila, nakita ng ama na kinakagat ni nanay ang kanyang anak. Kaya kumuha ng baril ang kapit-bahay namin at binaril si nanay sanhi ng kamatayan niya. Labis ang aming paghihinagpis at pangungulila noong mawala c nanay. Kahit wala na si nanay nagpatuloy ang buhay namin, nagpursige ako at isa na akong guro, ito ang pangako ko kay inay na hindi masasayang ang kanyang pagpupursige mapag-aral lang kami at makitang makapagtapos.
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive