Get Hired Online from various companies and agencies

OFW ITEMS SENT TO PHILIPPINES HAD GONE? MUST READ!!!

Our balikbayan boxes symbolize of our hard earned and love for our family, everything place in the box are fruits of our hard labor abroad. Small or big things we send to our loved ones in the Philippines are very important to us or everything has a value but what if our boxes or things we send to our loved ones had gone or dwindled?

Some alleged problem I always read about this company on facebook, on how they tend their service to the customer. Now I want to raise the issue because I sympathize with all OFW abroad who had been the victims of this company. One of my friends, I would not mention her name had sent her item to the Philippines through the service of LBC PADALA.


This was the message in her Timeline:



ANG MASAKLAP NA SINAPIT NG CELLPHONE NA PINADALA KO VIA LBC

August 30, 2016 noong nagpadala ako ng cellphone sa Baguio via LBC. Pina door-to-door ko at ang sabi ng LBC-HK dadating sa bahay namin after 3 weeks. Pagkatapos ng 3 weeks, tumawag ako sa bahay para tanungin kong natanggap na nila ang pinadala ko. Sabi ng nanay ko, wala pa daw. Sabi ko baka delayed lang.

After a week, mga katapusan na ng September, nagtungo ako sa LBC-HK at nagtanong kung bakit hindi pa nakakarating ang padala ko. Sabi ni madam doon, September 17 nasa Baguio na daw yong item hintayin lang daw baka nadelay. Nag e-mail na daw siya sa Baguio branch para i-follow up. Kinuha niya ang number ko para tawagan ako kapag nag-reply na sila sa Baguio. Tinanong ko sa kanila kung pwede bang pick-up ng nanay ko sa Baguio branch nila yong cp. Sabi nila pwede daw. Sa Coyeesan daw ang office nila. So pumunta ang nanay ko minsan pero close sila that time.

After one week, tumawag ulit ako sa bahay kung natanggap na nila ang cp. Wala pa daw. Kinabahan na ako. Alanganin na yon since may experience na ako sa LBC na hindi ko natanggap ang padala ng nanay kong mga dokumento galing Baguio kasi daw walang tao noong dineliver nila. Follow-up ako ng follow-up kaso tatawag daw sila hanggang tumagal at hindi nangyari yon. Hinayaan ko na.
Balik sa cp. Pangalawang follow-up ko sa LBC-HK, tinanong ko ulit kong nasaan na ang cp na pinadala ko. Tinanong ko kung hindi pa ba naipupunta sa La Trinidad branch nila kasi doon naman talaga ang destination, sabi nila baka daw ibalik na sa Manila kasi hindi pa nake-claim. Nagalit na ako. Sabi ko "bakit nyo ibabalik eh door to door nga yon. Dapat kayo mismo magdala sa bahay. Nag-volunteer lang ako na i-pick up ng nanay ko." Sabi ko "nasaan ba talaga yong cp, sabihin nyo lang at ipapakuha ko ngayon na. Kahit nasa Manila, Baguio o La Trinidad?" Check ulit nila, nasa Baguio daw. Nag-email ulit si madam ng LBC-HK sa Baguio. Sabi nya hintayin ko lang daw ang sagot. Kinuha nya ulit ang number ko at tatawagan daw nya ako pag may reply na. Umalis na ako. Ni hindi siya tumawag sa loob ng isang linggo.

Yong nanay ko naman pumunta ulit sa LBC-Baguio para kunin ang cp, hinanapan nila siya ng tracking number. Sabi ko sa kanya "bakit? eh door to door yon? name mo lang okay na dapat yon." Anyways, kinuha ko ang tracking number at tinext ko sa nanay ko para wala na sila masabi.
Pangatlong follow-up, Oct 17 na. Kung tutusin, 1 1/2 month na ang nagdaan mula noong pinadala ko yong cp. Sobrang lagpas na sa 3 weeks na palugit nila. Hindi ganito kapag nagpapadala ako ng goods at clothing. Late na masyado. Galit na ako. Ang sabi ng LBC-HK, nasa Baguio daw. Yon ang pinakahuling update nila. Pinakita sa akin ang monitoring ng item. Sabi ko, "So ano na? Yon lang ang isasagot ninyo? Bakit hindi makarating-rating sa bahay ang pinadala ko?". Tumawag sila sa LBC-Baguio. Sabi doon, delayed lang daw. Ipapadeliver na daw sa bahay namin. Nagkaroon pa sila ng drama ek ek sa phone na pinagalitan ang mga nasa Baguio. Ewan ko.

Ito na ang problema. Nag follow-up ulit ako sa bahay ngayon, pumunta pala ang nanay ko sa LBC-Baguio sa Coyeesan kahapon, Oct. 28, para claim ang cp. Pinakita nya ang tracking number. Check nila. Wala yong cp doon. Yong in-charge daw ay nagbakasyon sa Pangasinan. Danica ang pangalan. Tinawagan nila. Sabi niya nandoon lang daw sa white basket nila pero noong hinanap nila, wala. Maya't maya hinanap nila ang delivery man. Jomar daw ang pangalan. Sabi naman niya wala siyang deniliver na cp sa bandang lugar namin. Hinanap nila ang manifesto, yong papel kung saan pipirma ang receiver pagkatanggap ng padala. Wala din.

Nagalit na ang nanay ko. Gusto nya kausapin ang Admin ng LBC. Nataranta daw ang mga personnel. Pinapaakyat nila ng Baguio yong Danica na yon. Ang sabi nya uutang daw muna sya ng pamasahe nya. Lalong nabuwisit ang nanay ko. Nag-sermon na sya. Sabi nila balik sya sa lunes.
Ako naman ito huhuhu! Ang pina door to door ko, pinahirapan ang nanay ko. Sinayang ang oras nya. May trabaho din yon kaya busy. 9 kilometers away ang LBC-Baguio mula sa amin. Traffic pa. Naku ayon, nag-iisip panagutin ang LBC. Hindi paaapi yon. Nagtataka ako. Nasaan na kaya yong cp? Ninakaw kaya? Simpleng padala, inistorbo kaming mag-ina. Kung gov't agency sana, sinampal ko na ang LBC at sabihin ko na yon ang sabi ni Duterte sa seminar. Ayop nila!

My website is not here to shame nor  to destroy the image of the company but I am here to raise awareness so that the issue may reach to the management of LBC . And also this may serve as awareness to all OFW.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Join now in our Taiwan Jobs Facebook Group!!!

Join now in our Taiwan Jobs Facebook Group!!!
Click the picture to redirect you in our biggest Filipino online community in Taiwan

Blog Archive