Get Hired Online from various companies and agencies

ONLINE INVESTMENT SCAM NAKALOKO NA NAMAN NG ISANG BALIKBAYAN?



Isang Pinay na naman ang naloko ng isang investment scam. Ayon kay "Sarah" hindi niya tunay na pangalan na nakabase sa bansang Japan, nakilala daw niya ang isang nagngangalang "Princess Polinar Micabalo" na taga Ozamiz City.

March 2016 ng makilala ni Sarah si Micabilao sa isang Facebook group na Reality Hartz Hardships. Doon hinikayat ni Micabalo sa isang investment, ayon sa kanya inalok siya kung saan kung mag-invest siya ay maaring domoble or triple ang kanyang kita at iyong ma-invest na pera ay ilalagak sa palayan, palaisdaan, at jewelry buy and sale.

Noong una ay nagaatubili pa si Sarah sumali sa invest, ngunit sa madalas na video call, chat, at dahil sa transparent ito ay nakuha ang tiwala ni Sarah. Nag-invest si Sarah ng 180,000 piso at makalipas ang ilang buwan ay naibalik ang pera niya sa halagang 225,000 piso. Sa tuwa niya ay hinimok niya ang mga iba pa niyang kaibigan sa Japan na sumali sa online investment. Ayon kay Sarah ay nakalikom siya ng 1.2 million pesos.
Ngunit matapos maipadala ni Sarah ang pera ay wala na siyang narinig mula kay Micabalo. At kahit Facebook account ng suspect ay deactivated na.

Laging paalala mula sa Security and Exchange Commission ay mag-ingat sa mga online scam. Huwag basta maniniwala at masilaw sa perang nakabalandra sa Facebook accounts, lalo na sa ngayon ay naglipana ang mga pekeng networking sites.

Hindi na umaasa si Sarah na maibabalik   pa ang pera niya, pero aniya sana magsilbi itong babala sa mga gustong sumali sa online networking, lalo na sa mga nangangakong dodoble or triple ang kita.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive