Get Hired Online from various companies and agencies

PINAY SAPILITANG PINAGTRABAHO BILANG SEX WORKER SA TAIWAN? NA RESCUE..


Kaoshiung Taiwan- Isang Taiwan National at asawang Pinay ang inaresto matapos mahuling nagkukubli ng 10 babae mula Pilipinas, Indonesia at Thailand. Ayon sa ulat, Ang 10 babae ay inalok mula sa kanilang bansa bilang mga dancer or pole dancer. Ngunit ng sila ay dumating sa Taiwan ay pinagtrabaho sila bilang "sex worker".

Ayon sa isang Pinay na nakapanayam, kinuha daw sila sa Pilipinas bilang pole dancer. Lumipad mula Pinas gamit ang tourist visa at pingakuan na aayusin ang working permit pagdating ng Taiwan. Subalit kabalintunaan ang nangyari sa kanila pagdating ng Taiwan ay sapilitan silang pinagtrabaho bilang sex worker. At sinisingil sila ng Php 63,000 bilang kapalit sa lahat ng gastos ng kanilang amo papuntang Taiwan at may regulasyon sila na kung lalagpas sila 48 kilo sa timbang ay papatawan sila ng NT$500(Php765) tuwing sahod at ang pahirap pa dito ay hindi sila libre ng tirahan pinagbabayad sila ng NT$700(Php 1,071) buwan buwan bilang kabayaran sa maliit na kwarto na pinagsisiksikan nilang sampu.

Ayon sa mga biktima binabayaran daw sila ng mga parokyano sa halagang NT$4500 (Php 6,885) sa mahigit isang oras at NT$2500 (Php 3,285) ay napupunta sa amo nila bilang komisyon. Ang kanilang mga parokyano ay karamihan mga Factory workers o mga mangingisda.

Nahaharap sa patong patong na kaso ang mag-asawa. Samantala ang mga na rescue na sex worker ay nasa kustodiya na awtoridad sa Taiwan at idedeport sa kani-kanilang bansa.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive