Get Hired Online from various companies and agencies

PNP. CHIEF DELA ROSA HALOS MATUNAW SA HIYA?


Hiyang hiya si PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa sa mga kagagawan ng tinatawag niyang sindikatong pulis, dahil sa pagsasagawa ng mga krimen sa loob pa mismo ng kampo Crame.

"Very angry. Very offended. Kung pwede lang matunaw ako ngayon sa kinalalagyan ko sa hiya. It happened sa loob ng Camp Crame. Kinuha nila doon sa Caloocan, dinala doon sa loob ng Camp Crame, at doon pinatay. Kung pwede lang matunaw ako ngayon sa hiya. Hiyang-hiya ako," sabi ni Dela Rosa sa panayam niya sa palasyo ng MalacaƱang.

Ayon sa kanya sa matagal na gingawa ng mga sindikatong pulis, hindi lamang ngayong Administrasyong Duterte kundi sa mga nagdaan pang mga Administrasyon. Aniya siguro walang lakas ng loob ang mga dati PNP chief na supilin ito dahil sa walang "back-up" mula sa presidente hindi tulad niya na may Pres. Duterte nasasandalan.

"Apparently, matagal na nitong ginagawa, iyong style na ito, na kini-cremate ang kidnap victim kaya pala pagkatanggap ng ranson, wala pa ring bumabalik na kidnap victim na nawawala dahil wala na palang body of the crime dahil ashes na eh. Ashes na iyong tao. Ipa-DNA mo pa iyong ashes. Mabuti kong ma-recover mo iyong ashes. Sabi noong — nag-panic daw iyon. I don't know how true is that, nag-panic daw iyong isang empleyado ng punerarya, flinush niya daw sa toilet bowl iyong ashes noong Koryano noong pinuntahan," sabi Dela Rosa

Samantala layon pa rin ni Dela Rosa na linisin ang hanay upang mawakasan na ang masamang imahe ng kapulisan.


Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive