Get Hired Online from various companies and agencies

7 Tons of Eggs recalled in Taiwan, in fear of "Dioxin"?



Aabot sa humigit kumulang 7 toneladang itlog ang pinabawi ng FDA Taiwan, na hinihinalang mayroong mataas na lebel ng "dioxin". Ito'y ayon sa Ministry of Health and Welfare.

Matatandaan noong byernes ay naglabas ng ultimatum ang FDA Taiwan kaugnay sa mga itlog na may mataas na "dioxin".

Binigyan ng hanggang alas 3 ng hapon kahapon ng Sabado, ang mga tindahan upang tanggalin sa kanilang mga estante, ang lahat ng mga itlog na nanggaling sa mga farm ng Chunyi, Hungchang, Tsaiyuan ng Changhua County.

Ayon sa mga awtoridad ay ininspeksyon, sinilyuhan at kumuha sila ng "sample" sa mga tindahan na pinagbagsakan ng mga itlog. Tinuntun nila ang mga tindahan na pinagbentahan ng mga itlog mula sa 3 farm ng Changhua. Ito ang mga lugar ng New Taipie, Taoyuan, Hsinchu, Miaoli County.

Ang pagbawi ng itlog sa mga tindahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ay nagtataglay ng mataas na lebel ng "dioxin". Ito'y dadaan pa rin sa masusing pagsusuri at obserbasyon. At para na rin sa kapakanan at kalusugan ng publiko. Ito'y ayon kay Premier Lin Chuan.

Ang "quarantine"  ay tatagal ng 7 araw hanggang matapos pagsusuri.

Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive