Get Hired Online from various companies and agencies

Eggs with "Dioxin" recalled by FDA in Hsinchu and Miaoli Taiwan? 3 Poultry in Changhua County closed..

Babala sa ating mga kababayan sa Taiwan! Isiniwalat ng "Food and Drug Administration" ng Taiwan nitong byernes na nakitaan ng "DIOXIN" ang mga Itlog mula 3 farm sa Changhua County.



Ayon sa pag-aaral ng National Cheng Kung University. Ang mga itlog mula sa manokan ng Changhua County ay lumagpas sa lebel na "5.2 picogram per gram" mula sa normal na 2.5 picogram lang per gramo. Ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong kaso sa Taiwan.

Ang mga itlog na galing sa Changhua County ay binebenta sa mga lugar ng Hsinchu at sa bandang Miaoli .Dahil dito agad namang pinasara ng FDA ang 3 manokan ng Junyi, Hongzhang, at Caiyuan. At agad namang binigyan ng ultimatum hanggang 3:00 ng hapon sa sabado ang lahat ng mga tindahan ng pinagbabagsakan ng itlog mula sa 3 nasabing manokan na tanggalin ang lahat ng itlog mula sa 3 nasabing "poultry".

Ano nga ba ang "DIOXIN"?

Isang klase kemikal na nagtataglay ng mataas na antas na lason na karaniwang nakahalo sa mga "pesticides" o ginagamit sa mga malalaking planta para sa "pest control". 

Ano nga ba ang epekto ng "Dioxin"?

- Hihina ang "Immune System"
- Maaring magdulot ng abnormalidad sa mga "hormone"
- Maaring magkaroon ng problema sa "reproductive" at paglaki
- Magdulot ng Kanser

Subalit tiniyak naman ng mga opisyal ng FDA na kahit daw kumain ng itlog na may dioxin ang tao sa buong buhay niya ay siguradong pa ring ligtas siya sa kapahamakan.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Join now in our Taiwan Jobs Facebook Group!!!

Join now in our Taiwan Jobs Facebook Group!!!
Click the picture to redirect you in our biggest Filipino online community in Taiwan

Blog Archive