Get Hired Online from various companies and agencies

A 5 year old kid in Nueva Vizcaya test positive for COVID-19



Maynila- (March 31, 2020) Sa bayan ng Alfonso CastaƱeda Nueva Vizcaya isang 5 anyos na batang babae ang nagpositibo sa covid-19. Itoy kinumpirma ni Dr.Edwin Galapon na siyang pinuno ng Nueva Vizcaya Inter Agency Task Force on covid-19 nitong Lunes ng umaga.
"Na-confine yung bata sa ospital ng Cabanatuan (Nueva Ecija)dahil sa UTI.Kasama sa sintomas ay fever kaya kinuhanan siya ng swab sample and it turn out positive for COVID-19”, ayon kay Galapon.Inaalam narin kung paano nahawa ang bata gayong wala namang travel history ito sa ibang bansa o sa Maynila kung saan maraming kaso doon.
"Liblib din yong kanilang lugar.So ang tinitingnan natin ay yung kanyang interaction while on travel papuntang ospital sa Cabanatuan", ani Galapon.Plano naring ilipat ang bata sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC).
Bukod sa bata kumpirmadong nagpositibo din ang sa covid-19 ang isang lalaking nurse sa R2TMC.Ayon sa impormasyon ang 27 anyos na nurse ang kabilang sa nag asikaso sa mga PUI's na dinala sa isolation room ng ospital.
Maayos naman daw ang kundisyon ng nurse.
Sa kabuoan tatlo na ang kaso ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya kng saan ang unang nagpositibo ay namatay bago paman lumabas ang resulta ng kanyang laboratory test.

Source: Abs-Cbn News
Share:

No comments:

Post a Comment

Loading...
CopyAMP code

Popular Posts

Blog Archive