Get Hired Online from various companies and agencies

Ang hiling ng isang OFW Nurse sa New Zealand

Bata pa lang ako ay pangarap ko nang maging isang nurse. Para bang ang ganda sa pandinig kapag nababanggit ang salitang ito. Tapos sabi nila yumayaman daw ang nurse. ''Hahaha,'' natatawa ako pag naaalala ko ang pagkabata.

Tok! tok! tok! ''Anak may kumakatok sa pinto.'' Binuksan ko ang pintuan. ''Hello Cyrel, pupunta kami ng barkada sa kanila Allan, gusto mo sumama?'' Ang tanong sakin nina Lani, Jojo, Nognog, Jen, Donna, Julius, at Flor. '' Ok, paalam lang ako kay nanay.''

''Nay punta lang po kami ng mga friends ko sa kanila Allan, Sabado naman po at wala pasok sa school. ''Ok sige, basta umuwi ng maaga.''

Ganyan kami magkakaibigan, nagkikita- kita tuwing walang pasok sa school. Tamang kwentuhan lang sa mga nangyayari araw-araw sa school. Magkababata kaming lahat. Halos magkakaedad. 2nd year college na kami, pero sa magkakaibang school.

Si Jen, ang girlfriend ko. Alam kong nag-aaral pa kami, pero mahal ko talaga siya kaya sa tagal ko siyang niligawan e napasagot ko rin.

Habang nasa bahay nila Allan, ''Kamusta na mga friends?'' tanong ni Jojo. ''Guys titigil na ako sa pag-aaral kasi kailangan na talaga ni nanay at tatay ng tulong kasi nag-aaral din mga kapatid ko. Magtrabaho muna ako at kapag nakaipon e saka ko ipagpatuloy ang kursong nurse.'' Ang banggit ni Jen.

''Jen mahal, sori ha di kita matulungan ngayon. Hayaan mo pag naging nurse na ako, pag-aaralin kita.'' Magtatapos ako dahil marami akong pangarap, ang makapagwork sa ibang bansa at matulungan si Jen makapag-aral ulit.

Matapos ang aming mga kwentuhan ay hinatid ko na si Jen sa kanilang bahay. Nararamdaman ko ang sakit sa kanyang puso dahil alam kong gusto niya makatapos. ''Jen wag ka na mag-alala, nandito lang ako para sayo. Pagbubutihin ko ang pag-aaral para matulungan ka. Mahal kita kaya di kita pababayaan.''

Dumating na ang araw ng pagtatapos. Inabot sakin ni Jen ang isang regalo. ''Congratulation mahal.'' At sabay yakap sakin. Bumulong ako sa kanya, ''matutulungan na kita, i love you.''

Nakapasa narin ako sa board exam. Mayroon nang 2 years experience bilang  nurse sa bansa. Ayaw pa ni Jen mag-aral dahil tinutulungan pa niya sa pag-aaral kapatid niya, pero next year ay tapos na eto kaya pwede na sya.

''Jen, natanggap na ako sa New Zealand bilang isang nurse at malapit na ako umalis. Para sa ating pangarap ay tutuparin ko ang mga pangako ko.'' Hinawakan niya ang mga kamay ko. ''Maghihintay ako sa pagbabalik mo, masaya ako para sayo.'' 

Masaya at may kasamang lungkot ang pagiging ofw. Natutupad mo ang mga bagay na gusto mo para sa mga mahal mo sa buhay, ngunit malayo ka naman sa kanila. 

Makalipas ang dalawang taon ay nakagraduate na si Jen. Pareho na kaming nurse. Halos may isang taon na si Jen na nurse sa Pilipinas at malapit ko na siya makuha at madala dito sa New Zealand.  Ang hirap ng long distance relationship. Pero kung mahal niyo talaga isa't isa e kaya niyo tiisin ang lahat. 

Isang araw ay nabalita sa buong mundo na may kumakalat na sakit, ang COVID-19. Delikadong virus, dahil maari kang bawian ng buhay kung mahina ang resistensya mo. Ang mga frontliner na tulad namin ang nagbubuwis buhay upang makatulong. Tungkulin namin ang alagaan ang mga may sakit.

Natatakot din kami, ngunit responsibilidad namin ang mag-alaga ng mga pasyente. ''Tutut! Tutut!'' Tumunog ang aking celphone. May chat si Jen. Ang saya ko sa tuwing nagchachat sya.

''Mahal kamusta ka dyan? Mag-iingat ka palagi ha. Miss na miss na kita. Mahal, nagpositive ako sa COVID-19. Pero wag ka mag-alala kasi kaya ko labanan ito. Wag ka uuwi kasi di ka rin naman papasukin sa room kung nasaan ako. Tapos mahigpit ang bansa puro lockdown. Basta pray lang tayo ha.''

''Mahal gusto kita samahan. Delikado ang sakit na yan. Lakasan mo ang loob mo ha. Wag ka susuko. Magkikita pa tayo. Kukuhanin pa kita di ba. Marami pa tayo pangarap. Mahal na mahal kita.''

Sa bawat araw na dumadaan di ako mapakali. Gusto ko umuwi ng Pilipinas pero nakalockdown naman. Wala ako magawa para sa mahal ko. ''Oh God please help Jen.''

Tutut! Tutut! Ahm! ''May nagchat, baka si mahal uli.kakatawag ko lang kanina sa kanya ah, miss na talaga ako ni mahal.''

Si nanay pala. ''Nak kamusta ka naman na dyan. Always pray ha. Maging matatag ka palagi. May iforward nga pala ako message sayo. Isang liham mula kay Jen.''

''Mahal kapag wala na ako at di ko kinaya si COVID ay ipagpatuloy mo parin ang buhay. Wag kang tumigil magmahal. Kung may makilala ka na girl at muling tumibok ang puso mo ay wag mong pigilan. Mahal na mahal kita. Di na kita mahihintay. Ang mga pangarap mo na magkaroon ng sariling pamilya ay tuparin mo. Di na kita maaalagaan. I'm sorry mahal ang hirap kalaban ni COVID. Salamat ha, kasi naging nurse ako dahil sa tulong mo. Marami pa sana ako gusto sabihin kaso nahihirapan na ako. Si God na ang bahalang magbantay sayo. I love you. Marahil pag mabasa mo na ito ay wala na ako.''

Hindi ko mapigilang lumuha habang binabasa ko ang sulat ni Jen. Parang gumuho ang mundo ko. Ang sakit, may kirot sa puso ko. Ang tagal ko siyang di nakasama dahil sa pagiging ofw ko. Dahil sa pangarap. Ang hirap maging ofw, maraming oras ang di mo nakakasama mga mahal mo sa buhay. Di ko man lang siya nayakap.

May surprise pa naman ako sa kanya. Nakabili na ako ng maliit na bahay dito sa New Zealand para sa amin dalawa dahil malapit na siya magpunta dito. Paano ko pa kakayanin ang bawat araw kung wala na si Jen.

Sana di na lang ako nag-ibang bansa para palagi ko siyang nakakasama. Sana sa Pilipinas na lang kami bumuo ng pangarap tulad ng iba. Kung sana kaya ko pang ibalik ang dati. Sana kaya kong gawin ang mga sinasabi niya sa sulat. 

Maraming sakripisyo ang mga OFW. Malaki man o maliit ang sweldo ay mahirap parin sa aming kalooban ang lumayo. Kaya sana ang bawat naiwan natin sa bansa ay palagi tayong kamustahin dahil kahit man lang doon ay gumaan ang ating pakiramdam. Ang dasal lang sa ating Panginoon ang tanging lakas ng mga OFW.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Join now in our Taiwan Jobs Facebook Group!!!

Join now in our Taiwan Jobs Facebook Group!!!
Click the picture to redirect you in our biggest Filipino online community in Taiwan

Blog Archive