Get Hired Online from various companies and agencies

Bansang Taiwan maaring magsimula mamigay ng bakuna laban sa COVID-19 sa first quarter ng taong 2021

 

Taipei, Taiwan (November 22, 2020)- Malugod na ibinabalita ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan na maaring magsimula ang COVID-19 Immunization Program sa unang quarter ng taong 2021.

Ayon kay CECC Spokesperson Chuang Jen-hsiang, inaasahang magisismulang magbigay ng bakuna laban sa COVID-19 ang bansang Taiwan taong 2021 at maari itong mangyari sa una o kalagitanaan ng taon. At uunahin na bibigyan ng bakuna ay ang mga medical workers, disease control staff, airport inspection employees, the police, military police, military personnel, nursing center staff at social workers, mga edad 65 pataas, high-risk groups na may edad na 19 hanggang 64, may mga karamdaman at may malubhang sakit.

Aabot naman sa NT$11.55 bilyon o US$404 milyong pondo ang ibinigay bilang alokasyon sa pagbili ng nasabing bakuna sa pamamagitan ng COVAX.At inaasahan rin nilang makakakuha sila sa mga kumpanya ng Pfizer-BioNTech (BNT) at Oxford-AstraZeneca (AZ). 

Hindi naman isinasantabi ng gobyerno ng pagbili ng Vaccine sa kumpanya ng Moderna kung saan 94% daw na epektibo sa kanilang clinical trial. 

Samantala naging matagumpay naman sa first stage sa clinical trial ang mga vaccine na gawa ng Taiwan mula sa  Adimmune Corporation, United Biomedical, at Medigen Vaccine Biologics, ayon kay Director-general at Taiwan Food and Drug Administration Wu Shou-mei 

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Join now in our Taiwan Jobs Facebook Group!!!

Join now in our Taiwan Jobs Facebook Group!!!
Click the picture to redirect you in our biggest Filipino online community in Taiwan

Blog Archive