Get Hired Online from various companies and agencies

Pasalubong na kahit minsan ay di pa nila natikman

 


Tik! Tik! Tik! Tik! Pumapatak na naman ang ulan sa bubong na deretso sa loob ng bahay dahil marami na ang butas. Nakasahod ang timba, tabo at palanggana. Ganyan sa aming bahay sa tuwing umuulan.

Pagkatapos ko ng high school ay nakipagtanan na ako kay Jarel. Sa umpisa masaya kami, pero habang tumatagal e unti-unti ko nang nalalaman ang hirap ng buhay lalo na may tatlo na kaming anak.

Ang asawa ko ay walang permanenteng trabaho. Minsan karpentero, gumagawa ng uling, minsan nakikisaka. Ako naman si Ellen, tumatanggap ng labada.

''Uy Ellen kamusta ka na? May itatanong sana ako sayo.'' Wika ni Karina na kumare kong taga kabilang kanto lang. ''Okey naman. Ano naman itatanong mo sakin?''

''Baka gusto mo sumama sa agency sa bayan para mag-apply ng domestic helper sa Hong Kong. Nakaalis na kasi pinsan ko last month. Sabi niya ok naman at mabait naman daw amo niya. Libre daw ang placement fee. Gusto ko mag-apply kaso naghahanap ako makakasama. E ikaw ang naalala ko.''

''Naku mare mukang maganda nga yan plano mo. Sige itatanong ko muna sa asawa ko. Kaso wala pala akong panggastos sa pag-aasikaso ng mga papeles.''

''Kumareng Ellen pwede kita pahiramin tapos saka mo na ako bayaran. Makakatulong ang pagtatrabaho sa ibang bansa para sa mga pangangailangan ng pamilya mo.'' 

Kinagabihan ay nag-usap kaming mag-asawa. Pumayag naman ang asawa ko na siya ang maiwan sa mga bata. Hirap na rin kasi kami sa pagkukuhanan ng panggastos sa araw-araw.

Nag-apply kami ni Karina at natanggap naman kaming domestic helper sa isang agency para magtrabaho sa Hong Kong. Makalipas ang dalawang buwan ay nakaalis kami.

Naging maayos naman ang trato sakin ng amo ko kaya matagal din ako nanilbihan sa kanila. Nagpapadala ako sa pamilya sa Pilipinas at nag-iipon din ako. Gusto ko makapagpagawa ng kahit maliit na bahay at isang sari-sari store. 

Di ko man araw-araw nakakausap sa telepono ang pamilya ko ay tiwala ako na ayos sila. Sobrang bait ang asawa ko kaya di niya pababayaan ang mga anak namin.

Taon na ang lumipas at malapit ko na matapos ang kontrata ko. Makakauwi na ako ng Pilipinas at makakasama ko narin ang mga anak at asawa ko. Mis na mis ko na sila. Sosorpresahin ko sila sa pag-uwi ko.

Marami akong pasalubong sa kanila. Mga bagay na di namin mabili noon. Mga bago at magagandang damit, laruan, sapatos, chocolates, imported na delata,  shampoo, lotion at marami pang iba.

Palagi sinasabi ng mga anak ko na pasalubong. Tuwang tuwa sila kasi makakatikim na daw sila ng mga imported na chocolates. Ang asawa ko naman ay wala naman hinihiling kundi ang maging maayos lang ako sa pag-uwi.

Dumating narin ang araw ng pag-uwi ko sa bansa. Hindi na ako nagpasundo sa kanila dahil gusto ko sila sorpresahin. Masayang masaya ako at makikita ko na sila.

Pagdating sa probinsya namin ay sumakay na ako ng tricycle. Sa pagbaba ko sa tapat ng bahay namin ay maraming tao akong nakikita. Nagtataka ako at lahat sila nakatingin sakin. Nakita kong lumabas ang mga anak ko at sinalubong ako.

''Nay, nay'', ang sigaw nila. Umiiyak ang mga bata ng nakita ako. ''Nay nagbalik ka na po. Nay bakit ngayon ka lang po. Hindi mo na po naabutan si tatay.''

''Anong ibig ninyong sabihin? Bakit nasaan ba ang tatay ninyo? At bakit ang dami tao sa harap ng bahay natin. Anong meron?''

''Nay wala na po si tatay. Kagabi po pag-uwi niya galing sa pagtatrabaho bilang karpentero ay biglang sumikip ang dibdib niya. Nahirapan po siya huminga at biglang nawalan ng malay. Pagkatapos po nun ay di na siya nagising.'' Ang banggit ng panganay kong anak na babae.

''Lagi po kasi pagod si tatay sa trabaho. Sabi po niya gusto niya din makapag-ipon para nang sa gayon ay di na daw po kayo mag-abroad. Di na daw po kayo aalis nun. Mahal na mahal ka po ni tatay.''

Ang mga anak ko malalaki na sila. Isang high school at dalawang elementary pa lang. Mababait silang mga bata. Ang asawa ko naman ay mabait at masipag.

''Huhuhu! Nakakalungkot mga anak. Ang akala ko magiging masaya kayo pag-uwi ko. Hindi man lang ako hinintay ng tatay ninyo. Ang dami ko pa naman pasalubong kaso di na niya makikita at matitikman pa.''

Napakalaking tulong para sa tulad kong mahirap ang mag-ibang bansa kahit na isa lamang akong domestic helper. Hindi man malaki ang sahod pero unti-unting nakakaipon at nasusuportahan ang pamilya.

Mahirap malayo sa mga mahal sa buhay. Hindi natin alam ang mga mangyayari sa bawat araw. Kung buo pa ba o nandyan pa ang mga mahal sa buhay. Matuto tayong mag-ipon para balang araw ay di na tayo aalis pa ng bansa.

Summary: isang dh na a day before ng pag-uwi niya ay di niya alam na namatay asawa niya. Pasalubong na kahit minsan ay di pa nila natikman at nagkaron.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Join now in our Taiwan Jobs Facebook Group!!!

Join now in our Taiwan Jobs Facebook Group!!!
Click the picture to redirect you in our biggest Filipino online community in Taiwan

Blog Archive